7 sa 10 Pinoy namamatay sa noncommunicable disease

7 sa 10 Pinoy namamatay sa noncommunicable disease

September 22, 2022 @ 5:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pito sa sampung Pilipino ang nasawi dulot ng noncommunicable disease (NCDs) kung saan ang mga kababaihang Pilipino ay mas malamang na mamatay sa mga naturang sakit, ayon sa isang bagong pag-aaral mula sa World Health Organization (WHO).

May 511,748 NCD deaths ang naitala sa Pilipinas noong 2019, 72% sa kanila ay babae at 68% lalaki, ayon sa ulat ng UN health agency na “Invisible Numbers” na inilabas noong Setyembre 21.

Ang mga sakit sa cardiovascular, isang pangkat ng mga sakit sa puso at mga daluyan ng dugo kabilang ang coronary heart disease at congenital heart disease, ay ang mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng bansa para sa mga malalang sakit, na may kabuuang 249,999 na pagkamatay batay sa 2019 data.

Ang mga kondisyong nakakahawa, maternal, perinatal at nutritional ay bumubuo ng 24% ng dami ng namamatay para sa mga NCD.

Binanggit sa ulat na hindi pa nagpapatupad ang Pilipinas ng epektibong guidelines para pamahalaan ang cancer, cardiovascular disease, diabetes, at cardiorespiratory disease, gayundin ang drug therapy o pagpapayo para sa atake sa puso at pag-iwas sa stroke.

Tumuntong din sa 40% ang naitalang physical inactivity sa mga Pinoy na nasa hustong gulang, habang ang hypertension sa mga nasa hustong gulang na 30 hanggang 79 ay 34%. Bukod dito, nakapagtala ang bansa ng kabuuang alcohol per capita consumption na 7 litro noong 2019.

Sa buong mundo, 41 milyong tao ang namamatay dahil sa mga NCD taun-taon, habang 17 milyong tao ang namamatay dahil sa isang malalang sakit bago ang edad na 70.

Nabanggit ng WHO na 77% ng pagkamatay ng NCD ay nagmula sa mga bansang low and middle income earners.

“Noncommunicable diseases such as cardiovascular disease, diabetes, chronic lung disease, and cancer are the world’s biggest silent killers -– but they can often be prevented with investment in proven, cost-effective interventions,” ani Michael Bloomberg, na siyang WHO Global Ambassador for Noncommunicable Diseases and Injuries.

“I look forward to continuing to make life-saving investments in NCD and injury prevention alongside (Director-General) Dr. Tedros and the WHO.” RNT