7 sa 8 close contacts ng 2 Omicron cases sa Pinas, negatibo vs COVID- DOH

7 sa 8 close contacts ng 2 Omicron cases sa Pinas, negatibo vs COVID- DOH

December 16, 2021 @ 1:46 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang walong close contacts ng unang dalawang kaso ng Omicron variant sa Pilipinas, kung saan pito sa kanila ang negatibo sa coronavirus disease (COVID-19), base sa DOH nitong Huwebes.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isa sa mga ito ang close contact ng 48-anyos na balik-bayan mula sa Japan habang pito naman ang close contacts ng 37-anyos na Nigerian national galing sa Nigeria.

Negatibo naman sa COVID-19 test ang close contact ng ROF noong Disyembre 4.

“So you might be wondering why there is only one close contact for our 48-year-old male from Japan. It’s because he was seated in a business class and it was just one passenger with him in this business class section,” paliwanag ni Vergeire sa isang media briefing.

Samantala, anim sa pitong close contacts ng Nigerian national ang negatibo sa COVID-19 test  at nakumpleto na ang kanilang mandatory quarantine.

Kasalukuyan namang bine-beripika ang test results ng natitirang close contact.

“So again, the reason why there are just seven close contacts because the foreign national sat at the very end of the place. So we only counted those in front of him and on his side,” pahayag ni Vergeire.

Ayon pa sa kanya, natukoy ang close contacts sa pamamagitan ng pagbibilang ng apat na upuan o pwesto sa lahat ng direksyon mula sa nagpositibong kaso.

“Ngayon para naman sa close contact, ang ating epidemiologic identification of close contacts when you are in a plane is to count four seats in front of you, four seats on your left, four seats on your right, and four seats sa likod mo,” aniya.

Samantala, ang samples ng dalawang Omicron cases ay kokolektahin ngayong araw para sa kanilang repeat RT-PCR test. RNT/SA