7 senatoriables ng UniTeam, pinangalanan nina Marcos, Duterte

7 senatoriables ng UniTeam, pinangalanan nina Marcos, Duterte

January 20, 2022 @ 7:41 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Isinapubliko ng tambalang dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang pito nilang senatorial bets sa ilalim ng UniTeam coalition sa isang online caravan.

Kabilang dito sina:

  • Dating Senator Jinggoy Estrada

  • Senator Sherwin Gatchalian

  • Dating Defense Secretary Gibo Teodoro

  • Dating Palace spokesperson Harry Roque

  • Dating Public Works Secretary Mark Villar

  • Dating Quezon City Mayor Herbert Bautista

  • Antique Rep. Loren Legarda

Sina Marcos at Duterte-Carpio, ay tumatakbong Pangulo at Bise Presidente para sa May 2022 national elections.

Si Villar, ay anak nina dating Senate President Manny Villar at incumbent Senator Cynthia Villar.

Estrada, anak ni dating Pangulo Joseph Estrada, ay tumatakbong senador sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino party.

Si Teodoro, na dating Tarlac representative, ay tumatakdo sa ilalim ng People’s Reform Party. Matatandaang tumakbo siya bilang Pangulo noong 2010.

Si Roque ay tumatakbo rin sa ilalim ng PRP, na partidong binuo ni Senator Miriam Defensor Santiago.

Bautista, dating alkalde ng Quezon City, ay kabilang din sa senatorial lineup nina Senator Ping Lacson at running mate na si Senate President Tito Sotto.

Habang si Gatchalian ay pasok rin sa senatorial slate ni Senator Manny Pacquiao.

Si Legarda lang ang hindi nakadalo sa isinagawang online caravan. RNT