7- Stag Big Event Birthday Derby papalo sa Set. 17

7- Stag Big Event Birthday Derby papalo sa Set. 17

August 29, 2022 @ 1:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Makikipagpupugan ang mga tigasing breeder ang 7-Stag Big Event Birthday Derby – JP DRAGON Jr. na bibitawan sa ruweda ng Manila Arena sa Setyembre 17.

Naghayag ng pagsali sa pa derby ni JP DRAGON Jr. ay sina Charlie “Atong” Ang, Edwin Tose, Toto Sevilla, JP Rumi Dragon at Patrick Antonio.

May pot money na P220,000 at minimum bet na P220,000 sa event na mga WPC banded na may timbang na 1.7 kgs hanggang 2.150 kgs ang puwede isabak habang hindi puwede isali ang henies.

Naimbitahan din sa derby ang Sabong On Air na pag-aari ni Ka Rex CayanongΒ  na nakipagsanib puwersa kay JP Yamamoto para harapin ang mga matitigas na entries.

Kaya asahang markado ang JP Yamamoto/Sabong On Air entry sa halos 40 entries na makikipag-pupugan.

Ang ibang naghayag ng pagsali ay sina Robert Gaza, Arnel Navarro, Raul Gamboa, Bogs Dela Rosa, Arnel Figuerra at Jun Durano.

Para sa ibang detalye, makipag-ugnayan kay Marie (09173227432) habang sa submission of entries ay tawagan lamang sina Nelia (09150964131 / 09636332134), Paula (09638900723), Jocyl (09451491719), Shamela (09663351576) at Angela (09516685290).

Pasahan ng timbang ay isang araw bago ang derby.JC