7 suspek huli sa buy-bust

7 suspek huli sa buy-bust

March 21, 2019 @ 1:37 PM 3 years ago


Quezon City – Nasakote ng mga tauhan ng QCPD SDEU station 10 sa pangunguna ni P/Supt. Benjie Tremor at PDEA-operatives ang mga suspect sa isang buy-bust operation sa R&E Apartlle sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspect na sina Gilbert Espinida alyas Bulldog, Joana Makilang, Joenard Apostol, Maricris Birgonia, Sherley Roque, Rolando Ramos, at Ann Michelle Garina.

Nakuha sa kanila 5.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 37,400.00 at 1,000 buy-bust money. Danny Querubin