7 timbog sa P1.4 M ‘damo’t bato’ sa magdamagang Bulacan buy-bust

7 timbog sa P1.4 M ‘damo’t bato’ sa magdamagang Bulacan buy-bust

January 28, 2022 @ 6:02 PM 8 months ago


Bulacan – Nasamsam ang nasa P1.4 milyonh halaga ng iligal na droga ng mga awtoridad sa kanilang ika-apat na araw at kaliwa’t kamang  Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement (SACLEO) sa lalawigang ito.

Sa report,bandang 10:40 gabi ng Enero 27,naaresto sa operasyon sina Lailani Alivio ng Brgy Balayong,Malolos,James Darrel Rivero Rivero ng Brgy.Tabang,Guiguinto,Justine Neil Camua at Mardon Deniel Carlos ng Brgy.Tikay.

Nasamsam sa operasyon ang plastic container; apat na bricks na nakabalot sa plastic; limang zip-lock plastics; at siyam na plastic wraps ng dried marijuana na may timbang na limang kilo at nagkakahalaga ng P1,054,000.00.

Arestado rin bandang 3:30 am nitong Enero 28 sa Brgy.Mojon,Malolos sina Ajericho Carmona at Ericka Castro matapos mahulihan sa operasyon ng isang brick wrapped at plastic-wrapped na naglalaman ng kapwa hinihinalang marijuana fruiting tops na aabot sa isang kilo at may estimated value na P200,000.00.

Samantala,huli rin sa buy-bust operation sa Brgy. Talacsan,San Rafael bandang 4:00 pm nitong Enero 27 si Abigael Casbadillo ng Brgy.Gayagaya San Jose Del Monte.

Nakumpiska sa operasyon ang walong maliiit na sachet at apat na katamtamang laki ng sachet na pinaghihinalaang shabu na may timbang na 27 grams at may DDB value na P183,600.00 at buy-bust money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.(Dick Mirasol III)