7 tulak nalambat ng QCPD

7 tulak nalambat ng QCPD

July 4, 2022 @ 6:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nadakma ng Quezon City Police District (QCPD) ang pitong tulak matapos ang magkahiwalay na isinagawang buy-bust operations sa nasabing lungsod.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Remus B Medina, nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng Holy Spirit Police Station (PS 14) sa pamumuno ni PLTCOL Jeffrey Bilaro bandang alas-3:50 ng hapon noong Hulyo 2, sa kahabaan ng Luzon Ave., Brgy. Pasong Tamo, Q.C.

Sa ikinasang buy-bust ng PS 14, nadakip ang mga tulak na sina Johnson Base, 36 anyos, nakatira sa Brgy. Pasong Tamo, QC; Efren Lopez, 44, residente ng Brgy. Old Balara, QC, at Ferdinand Manois, 24, ng Brgy. Loyola Heights, sa lungsod.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, isang black na coin purse, at ang perang ginamit sa transaksyon.

Sa report ng Batasan Police Station (PS 6) sa pamumuno ni PLTCOL Abraham D Abayari, naaresto sa buy-bust sina Angela Dalipe, 29, nakatira sa Brgy. Batasan Hills, QC; Russel Bautista, 30, naninirahan sa Brgy. Commonwealth, QC; Ruel Tandog, 30, ng Brgy. Payatas, QC at Marlon Cristobal, 33, ng Brgy. Bagong Silangan, QC.

Sila ay naaresto sa buy-bust operation ng PS 6 sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) dakong 2:00 ng madaling araw noong Hulyo 3, 2022, sa Doña Nicasia St., Brgy. Commonwealth.

Nasabat mula sa mga suspek ang humigit kumulang 17 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P115,600, isang itim na pitaka, at ang perang ginamit sa buy-bust.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz