$70-M aid ibibigay ng US sa AFP infrastructure improvements

$70-M aid ibibigay ng US sa AFP infrastructure improvements

October 27, 2022 @ 10:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magbibigay ang Estados Unidos ng USD70 milyon na tulong para mapabuti ang imprastraktura ng Armed Forces in the Philippines (AFP) sa susunod na dalawang taon.

Ito ang inihayag ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kung saan ang monetary assistance ay bahagi ng kanilang pagsisikap na “to look for more ways to expand the Enhanced Defense Cooperation (Agreement or EDCA),” na isa sa mga paraan ng mutual defense treaty sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas para maging “operationalize.”

“These improvements are designed to enhance cooperative defense capacities and support Humanitarian Assistance Disaster Response activities, in ways that best meet the needs of the AFP and the alliance,” ani Carlson.

Wika pa ni Carlson na si Department of National Defense officer in charge Jose Faustino Jr. ang siyang magdedesisyon kung anong proyekto ang popondohan ng monetary assistance.

Habang hinihikayat ng Estados Unidos ang military ng bansa na i-identify ang mga proyekto na mabibigyan ng civilian atwater security at territorial integrity, ito’y “will not give the Philippines a list of what it wants,” aniya pa rin.

Matatandaang nangako ang US ng mahigit USD625 million sa mahigit limang taon sa Philippine defense at security enhancements na dinisenyo para palakasin ang kapasidad sa Philippine maritime areas sa South China Sea. Kris Jose