70% ng 12-17 age group, target mabakunahan vs COVID – DOH

70% ng 12-17 age group, target mabakunahan vs COVID – DOH

October 20, 2022 @ 2:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang 70 porsyento ng kabuuang populasyon ng mga kabataan o edad 12 hanggang 17.

Ayon sa DOH, kabuuang 8,917,833 ang nais nilang mabigyan ng bakuna sa nasabing age group.

“The total target population for children aged 12-17 years old is 8,917,833 or 70% of their total population,” pahayag ng DOH.

Nitong Oktubre 17, ganap nang nabakunahan ang 9.9 milyong indibidwal na edad 12 hanggang 17.

Dagdag pa ng ahensya, nagbigay na rin ang DOH ng unang boosters sa 1 milyong indibidwal o nasa 11.2 porsyento ng target na populasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden