70% ng mga 10-anyos ‘di makabasa sa epekto ng pandemya – UNICEF

70% ng mga 10-anyos ‘di makabasa sa epekto ng pandemya – UNICEF

January 26, 2022 @ 8:54 AM 8 months ago


UNITED NATIONS – Halos hindi na masukat ang nararanasang epekto ng pandemya sa edukasyon sa buong mundo kung saan lubos na apektado ang mga kabataan, ayon sa UNICEF.

Dagdag pa ng UN children’s agency na nasa 616 milyong estudyante ang nananatiling naaapektuhan ng pagsasara ng mga eskwelahan sa buong mundo.

Bukod sa nawawalan ang milyong kabataan ng tsyansa na matuto, naaapektuhan na rin ang kanilang mga mental health, at nalalagay sila sa mas mataas na tsyansa ng balag ng alanganin, maging ang makakuha ng regular na sapat na nutrisyon, ayon pa sa UNICEF.

“Quite simply, we are looking at a nearly insurmountable scale of loss to children’s schooling,” ani UNICEF Chief of Education Robert Jenkins sa isang pahayag ukol sa ikalawang taon ng pandemya.

Dagdag pa ni Jenkins na hindi sapat ang muling pagbubukas lang ng mga eskwelahan bagkus kailangan ng “intensive support to recover lost education.”

Iniulat din ng UNICEF  na “learning losses to school closures have left up to 70 percent of 10-year-olds unable to read or understand a simple text, up from 53 percent pre-pandemic” sa mga low at middle income countries.

Sa Ethiopia, bilang pagsasalarawan, ang mga bata roon ay natututo lang ng “between 30 to 40 percent of the math they would have learned if it had been a normal school year” sa primary school, base sa pag-eestima ng UN agency.

Problema rin ang school dropouts sa South Africa, kung saan nasa 400,000 hanggang 500,000 students “reportedly dropped out of school altogether between March 2020 and July 2021.” RNT