70 pang parak sapul ng COVID

70 pang parak sapul ng COVID

July 11, 2021 @ 3:28 PM 1 year ago


MANILA, Philippines — Umabot na sa 28,860 ang naitalang COVID-19 cases sa hanay ng Philippine National Police (PNP), Linggo. Ito ay matapos makapagtala ng dagdag na 70 kaso sa hanay ng kapulisan.

Sa kabila nito, nasa 1,417 lamang ang aktibong kaso dahil gumaling na rin ang nasa 27,366 recoveries; 66 ang nadagdag sa bilang ng mga nakarekober hanggang nitong Hulyo 11.

Nasa 77 na ang mga nasawi sa PNP dahil sa virus.

Sa buong hanay ng PNP nasa 49,777 pulis o 22.87 percent ang naturukan ng first dose, habang 15,272 na ang kumpletong bakunado, ayon kay to PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa hiwalay na pahayag. RNT