70 pang pulis positibo sa COVID

70 pang pulis positibo sa COVID

July 12, 2021 @ 7:37 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Umabot na sa 28,860 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa hanay ng Philippine National Police (PNP) makaraang madagdagan ng 70 pa.

Naitala rin ang 66 pang nakarekober na may 27,366 kabuuang bilang.

Nananatili naman sa 77 ang nasawi.

Kasalukuyang binabantayan ang 1,417 aktibong kaso ng COVID. RNT/FGDC