700 kaso ng COVID kada araw, malabo na-eksperto

700 kaso ng COVID kada araw, malabo na-eksperto

January 19, 2023 @ 7:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mababa na ang posibilidad na umabot sa 700 bagong kaso ng COVID-19 ang maitatala kada araw sa Pilipinas hanggang Pebrero 15, ayon sa isang health expert.

Sa isang pampublikong briefing, sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na ang mga kaso ng COVID-19 ay hindi gaanong tumaas pagkatapos ng mga pista opisyal at ang Pista ng Itim na Nazareno.

“Doon sa mga na-ospital mayroon pa ring mga mangilan-ilan na na-admit, pero iyong mga hospital occupancy ng mga Covid infection, hindi tumaas more than 50 percent. So, nai-stabilize siya,” aniya pa.

Una rito, nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring umabot sa 730 kada araw ang impeksyon sa kalagitnaan ng Pebrero kung babalewalain ang pag-obserba sa minimum public health standards.

“At this point in time, dahil marami nang nakatanggap ng primary vaccine series at marami na ring nagka-infection. So, we have that hybrid immunity,” ayon pa kay Solante. RNT