700 lugar sa Pinas naka-granular lockdown – PNP

700 lugar sa Pinas naka-granular lockdown – PNP

January 24, 2022 @ 8:16 AM 8 months ago


MANILA, Philippines — Umabot na sa 700 lugar sa bansa ang nakasailalim sa granular lockdown sa gitna ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing bilang, nasa 146 lugar ang nasa Metro Manila, kung saan isang lugar ang naitala sa Northern Police District, 17 lugar sa Eastern Police District, 30 lugar sa Manila Police District, at 98 lugar sa Quezon City Police District.

Samatantala, nakapagtala ang Police Regional Office (PRO) Ilocos Region ng 233 lugar na naka-granular lockdown, habang 19 ang naitala ng PRO Mimaropa sa kanilang nasasakupan..

Habang ang PRO Cordillera ang nakapag-ulat ng pinakamataas na bilang ng lugar nan aka-granular lockdown na umabot sa 302 lugar.

Hindi na idinetalye o pinangalanan pa ng PNP ang mga lugar nan aka-granular lockdown, pero sinabing aabot sa 1,836 indibidwal ang naapektuhan.

Ikinakasa ang granular lockdowns bilang localized community lockdowns na maaari sa isang kabahayan, building, floor, o lansangan. Sa ilalim nito, ang mga residente ay hindi pinapayagang lumabas nang basta-basta sa loob ng 14 araw. RNT