700 pang PDLs target palayain ng BuCor ngayong taon

700 pang PDLs target palayain ng BuCor ngayong taon

November 30, 2022 @ 5:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapalaya ng aabot sa 700 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang kulungan at penal farms bago matapos ang taon, sinabi ni officer-in-charge Gregorio Catapang ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Catapang na pinaplano nilang maglabas ng 300 hanggang 500 PDL sa pinakamababa.

“Pero as much as 500 to 700 ang gusto naming mapalaya this end of the year. Bago mag Pasko o bago mag New Year,” ani Catapang sa public briefing.

Aniya, hinahangad din nilang makapaglabas ng mga matatandang PDL.

“May batas naman po na ‘pag 70 years old up ka, puwede kang mag-apply for parole or clemency so sa dami po ng mga PDLs natin na 65 to 70 years old above… eh balak po namin na i-apply po sila, ” ani Catapang.

Nang tanungin tungkol sa mga plano ng ahensya na i-decongest ang NBP, sinabi niyang P300 milyon ang inilabas sa mga penal colonies para sa pagtatayo ng mga bagong gusali.

“So kung pagsamahin ninyo ‘yung tatlong colonies na nabigyan ng P300 million para mag-construct ng bagong building, more or less mga 4,000 po ‘yun na pwedeng pag lipatan ng mga inmates natin dito sa NBP,” aniya pa. RNT