Inutusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) kahapon (July 9), upang i-regularize ang nasa 7,000 na manggawa at binigyang diin na ang compliance order ay “final and executory.”
Sinabi rin ni Bello na kahit na ang kontrata ng PLDT sa 38 service contractor nito ay tapos na, ang mga mangagawa ay hindi dapat naapektuhan nito at dapat ay na-regularize na.
“The order is to regularize [the] 7,000 workers [who] were outsourced by the contractors because they are found to be labor-only contractors,” sabi niya.
Kahit na inutusan na ng labor department ang mga kontraktor ng PLDT para itigil ang pagbibigay ng services sa telecom giant, hindi pa rin ni-regularize ng PLDT ang mga apektadong manggagawa.
Pinabulaanan naman ng PLDT na sila ay nagbibingi-bingihan sa utos at kinuwestyon rin ang katotohan nito sa Court of Appeals. (Remate News Team)