7,000 seafarers, wanted!

7,000 seafarers, wanted!

August 27, 2022 @ 11:04 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang demand ng mga Pinoy seafarers dahil sa pagbabalik normal ng mga cruise ship industry.

Sinabi ng Department of Migrant Workers, bukod sa nakikitaan ng mga biyahe at turismo, ang pagtaas ng demand ng mga seafarers ay dahil na rin sa giyera ng Ukraine at Russia.

Sinabi ni Toby Nebrida ng nasabing ahensya na isa sa pangunahing bansa ang Ukraine na nagdedeploy ng seafarers.

Aniya, may problema ngayon ang bandang Ukraine kaya nahihirapan ang kanilang labor force na magdeploy.

Dagdag niya, ang mga Pinoy seafarers ay may mga kakayahan at kuwalipikado naman bukod pa sa may tamang pag-uugali at pagiging propesyunal.

“Our seafarers are well qualified, they have the skills and they have the right attitude, professionalism na sagutin itong kasalukuyang pangangailangan ng ating cruise ship industry.”

Sa ngayon ilang shipping o maritime agencies ang abala sa hiring ng Pinoy seafarers.

Ayon sa Magsaysay Maritime Corporation nasa hanggang anim na libo ang nakatakdang idedeploy hanggang Oktubre. Bukod dito nangangailangan pa sila ng 7,000.

Karamihan sa mga nagbabalik biyahe na mga cruise ship ay mula Italy, US, Germany, UK at Australia.

Halos P45,000 o 800 US dollars ang karaniwang starting salary.Kailangan lamang na may karanasan sa trabaho sa mga kaparehong industriya gaya ng food and beverage at hospitality.

Sinabi ni Noriela Leonidas, Vice President, Cruise Group Head ng Magsaysay na puspusan ang kanilang paghahanap at pagre-recruit.

“Nagre-recruit kami all over the Philippines.We went to Clark ,we went to Baguio..we scheduled to go to Bohol and we have schedule sa Davao,” ayon pa kay Leonidas sa isang panayam. Jocelyn Tabangcura-Domenden