700K pamilya sa Maynila bibigyan ng food packs

700K pamilya sa Maynila bibigyan ng food packs

March 7, 2022 @ 2:35 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sisimulan nang ipamahagi ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang ikalawang bugso ng “food security program” para sa mga Manilenyo upang maibsan man lamang ang kinakaharap na hirap sa buhay ng tao dulot ng patuloy na pagtaas ng bilihin.

Nagsagawa ng inspeksyon sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa San Andres Complex kung saan inimbak ang mga “food boxes” para sa higit 700,000 pamilya sa lungsod ng Maynila.

Ang nasabing food boxes ay naglalaman ng mga canned goods tulad ng sardinas, luncheon meat, corned beef, instant coffee, at bigas.

Ayon kay Domagoso, layunin nila ni Lacuna na walang magugutom na pamilya sa lungsod lalo na ang mga lubhang tinamaan ng pandemya at mga drayber ng pampublikong sasakyan na naghihirap na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. JAY Reyes