700K quarantine violations naitala mula Marso

700K quarantine violations naitala mula Marso

December 5, 2020 @ 12:00 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander PLt. Gen. Cesar Binag na nakapagtala sila ng hanggang 700,000 quarantine violations simula noong Marso.

“Mahigit na 700,000 iyong ating either na-warning-an, na-penalize dahil sa mga ordinansa na inisyu, tapos iyong iba naman naaresto,” saad nito.

Sa Laging Handa briefing Friday, ibinahagi ni Binag na hiniling ng JTF ang mga pulis at militar na makipag-ugnayan sa local government units para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng protocol.

Maaalalang iniulat na may mga hawak na “yantok” ang mga awtoridad na ipinakalat para sa mga matitigas ang ulo.

“May hawak na yantok iyan, isang metro iyan pangsaway, tapos panukat, pamalo na rin doon sa matitigas ang ulo,” punto ni Binag. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...