70K scholar sa Western Visayas ngayong 2022 target ng TESDA

70K scholar sa Western Visayas ngayong 2022 target ng TESDA

January 21, 2022 @ 10:00 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Tinatayang 50,000 hanggang 70,000 scholar ang inaasahang makikinabang mula sa iba’t ibang pagsasanay o trainings na gagawin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Western Visayas ngayong taon.

Sinabi ni Regional Director Jerry G. Tizon, hangad nilang madagdagan ang P1 billion scholarship budget noong nakaraang taon para mayroon silang mas maraming scholars.

“Hopefully this year our scholarship allocation will increase further so we can help more. I believe with the special commitment of our central office to legislative partners, it’s going to be the same figure or even more than that will be downloaded to us,” ayon kay Tizon.

Ang TESDA Western Visayas ay mayroong 13 training technology institutes at 201 private technical-vocational institutions (TVI) bilang magkatuwang.

“With its partners handling the training, TESDA will focus on the conduct of assessment to make sure that scholars are trained according to the standards and competencies set by the government,” ani Tizon.

Ang TESDA aniya ay naga-alok ng mahigit sa 280 training qualifications subalit kung may mga programa aniya na hindi kasama sa menu, sinabi ni Tizon na “we will try to come up with a registration program so it will be made available in the region.”

“Training and assessment in TESDA is free. I am urging them to grab this opportunity and coordinate with our provincial offices for their desired training,” dagdag na pahayag nito.

Ang mga interesado ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa provincial offices o regional office, training institutions o TVI partners ng TESDA.

“Once a training qualification meets the required number of scholars, then there will be an orientation or training induction program,” ayon kay Tizon.

At dahil may pandemiya pa rin sa bansa, sinabi ni Tizon na maaaring adopt ang kahalintulad na estratehiya noong nakaraang taon kung saan ikinasa ang blended learning kabilang ang face-to-face classes para sa practical exams at online for theory.  Kris Jose