70M first dose ng COVID vac kayang iturok sa Nobyembre

70M first dose ng COVID vac kayang iturok sa Nobyembre

July 8, 2021 @ 1:47 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Kayang makapagturok ng national government ng hanggang 70 milyong unang dose ng COVID-19 vaccines sa Nobyembre, batay kay vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr.

“Realistically speaking 70 million, kaya po namin ‘yan. 70 million na first dose ‘yan po ang target na makuha namin before November,” lahad ni Galvez sa ANC interview.

Target aniya ng gobyerno na makapagbakuna ng first dose sa 40 milyong Filipino sa ikatlong kwarter ng 2021.

“Sa [Inter-Agency Task Force] at sa [National Task Force] po mas maganda po mas mataas ang ating standard at ang ating target. Ginawa natin na very ambitious, so we could really inspire and talagang push the [local government unit] and the national government to its limits and its potential.” RNT/FGDC