71M katao naghirap sa Russia-Ukraine war

71M katao naghirap sa Russia-Ukraine war

October 18, 2022 @ 11:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasa 71 milyong tao ang nahaharap sa kahirapan dahil sa patuloy na digmaang Russia-Ukraine, ayon sa UN Development Program (UNDP).

Bunsod ng epekto ng digmaan sa presyo ng pagkain at enerhiya inaasahang mas tataas pa ang bilang ng mga mahihirap sa mundo.

Ayon sa ulat ng UNDP sa mga epekto ng digmaang Russia-Ukraine, humigit-kumulang 51 milyong tao ang nahulog sa ilalim ng poverty line sa unang tatlong buwan ng digmaan na nagsimula noong Pebrero 24.

Ang pagtaas ng bilang ng mahihirap sa mundo sa 9 na porsyento.

Samantala, ang pandemya ng Covid-19 ay nagdulot ng hanggang 163 milyong katao na bumaba sa poverty line noong nakaraang taon, habang tumataas ang bilang ng mga taong nagtatrabaho para sa USD2.15 bawat araw ng 8.1 porsyento, na siyang nakapasailalim sa extreme poverty line.

Dahil dito, tantya ng World Bank na sa taong ito, ang bilang ng mahihirap ay tataas ng 75-95 milyon.

Gayundin, ang inflation sa pagkain ay inaasahang higit na makaaapekto sa mahihirap.

Sinabi ng World Bank na plano nitong bawasan ang ratio ng mga mahihirap sa 3 porsiyento sa 2030 bilang isang mahirap na target na maabot batay sa pre-pandemic projections, habang ang target ay naging mas mahirap na makamit sa coronavirus pandemic. RNT