72 nasawi sa bagyong Paeng – NDRRMC

72 nasawi sa bagyong Paeng – NDRRMC

October 29, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Oktubre 29 na umabot na sa 72 katao ang nasawi dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

Maliban dito ay mayroon ding 33 iniulat na nasaktan at 14 na nawawala ayon sa kanilang 2 a.m. situational report.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Dagdag rin ng ahensya, ang mga nabanggit na bilang ay sumasailalim pa rin sa validation.

Samantala, iniulat naman ng militar na umakyat na sa 42 ang nasawi sa landslide at matinding pagbaha sa ilang probinsya sa Mindanao.

Dagdag pa rito, sa inisyal na impormasyon ay mayroon nang P54.5 milyon halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng bagyong Paeng, 170 bahay naman ang nasira at 121 ang tuluyang nawasak. RNT/JGC