72% ng aktibong COVID cases sa San Juan, naglaho sa 2 linggo

72% ng aktibong COVID cases sa San Juan, naglaho sa 2 linggo

January 30, 2022 @ 10:25 AM 8 months ago


MANILA – Bumulusok ng 72 porsyento ang aktibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa syudad ng San Juan City sa loob ng dalawang linggo.

Sa datos hanggang nitong Enero 26 nasa 536 active cases ng COVID na lang ang natitira mula sa 1,947 na naitala noong Enero 12.

Noong Disyembre 24, mayroon lang pitong aktibong kaso sa syudad.

Sa anunsyo ni Mayor Francis Zamora sa isang social media post, sinabi niya na mas paiigitingin pa ng syudad ang pagbabantay laban sa COVID at nais niya pang mabawasan ang aktibong kaso.

“That is a 72.47 percent drop in two weeks only. Is it time for Alert Level 3? I’d say that I would want to see the numbers go down even lower and this is something that I foresee will happen in the next few days,” base sa kanyang anunsyo.

Samantala, sa pagsisimula ng pediatric vaccination sa mga edad lima hanggang 11 sa Pebrero 4, target ng syudad na makapagbakuna ng 5,000 bata.

“This will really change the game in a big way, especially if you talk about the economy. One thing we experienced in the last few weeks is that the restrictions are no longer age-based but based on are you vaccinated or not. Once the age group of 5-11 is fully vaccinated, I believe there will be a shift in the policy because now families can again go to the malls, they can eat out, they can shop because the children are fully vaccinated,” anang alkalde. RNT