720K doses ng Sputnik V dumating na sa bansa

720K doses ng Sputnik V dumating na sa bansa

October 17, 2021 @ 8:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa bansa nitong Sabado, Oktubre 16 ang nasa 720,000 doses ng COVID-19 vaccine na Sputnik V

Binili ito ng pamahalaan mula Russia at dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon, ayon sa ulat ng PTV.

Kabilang sa mga dumating ang nasa 360,000 doses na gagamitin bilang component I at 360,000 doses naman para sa component II ng bakuna o mga nabigyan na ng unang dose nito.

Nagpasalamat naman si National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa sa pamahalaan ng Russia para sa pinakamalaking delivery ng Sputnik V sa bansa.

“We do hope that it will help a lot in our vaccination programs. The other good news is we have reached over 92 million doses delivered to the Filipino people by the different brands,” pahayag ni Herbosa sa panayam nito kasabay ng pagdating ng bakuna.

Matatandaan na nitong Biyernes rin ay malaking bulto ng COVID vaccine doses na mula naman sa Pfizer ang dumating sa bansa na planong ilaan sa pagbabakuna para sa mga menor de edad na mayroong pre-existing health condition. RNT