73.7M Pinoy nabakunahan vs COVID sa 2022

73.7M Pinoy nabakunahan vs COVID sa 2022

January 1, 2023 @ 11:54 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 73,713,573 Filipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa pagtatapos ng 2022.

Ito ang laman ng accomplishment report ng Department of Health mula Hulyo hanggang Disyembre 2022, matapos makapagdagdag ng 3,100,258 indibidwal na nabakunahan kontra sa nakahahawang sakit.

Ang nabanggit na kabuuang bilang ay katumbas ng 94.5% ng eligible population na target mabakunahan kontra COVID.

Samantala, nasa 6,068, 268 Filipinos na ang nakatanggap ng unang booster dose, nagpataas sa total count na 21,047,2012 habang 2,843,537 ang nabigyan ng second booster sa kabuuang bilang na 3,691,412.

“Target natin by the first quarter of 2023 ay matanggap na po natin ang unang batch ng bivalent vaccines na kasalukuyan na nating pino-procure at sine-secure through our COVAX Facility process at iba pang mga (By the first quarter of 2023, we target to receive the first batch of bivalent vaccines which we’re procuring and securing through our COVAX Facility process and other) bilateral agreements,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire. RNT/JGC