73 insidente ng election-related violence naiulat ng PNP

73 insidente ng election-related violence naiulat ng PNP

May 9, 2022 @ 5:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naitala ng Philippine National Police (PNP) ang kabuuang insidente ng election-related violence  hanggang nitong alas-3 ng hapon, ayon kay spokesperson Police Colonel Jean Fajardo nitong Lunes.

Sa press conference, sinabi ni Fajardona 16 na naiulat na insidente lamang ang kumpirmado bilang election-related violence.

Lima naman sa validated reports ng election-related incidents ay mula sa Central Luzon, tig-apat mula sa Ilocos at Zamboanga, dalawa mula sa Cordillera, at isa sa Northern Mindanao.

Idinagdag din ni Fajardo na 15 sa kabuuang reported incidents ay bineberipika pa, habang 42 ulat ang validated na non election-related incidents.

Nauna nang ianunsyo ng PNP na walang seryosong banta na natukoy kaugnay ng Halalan 2022.

“So far, wala tayong serious threat,” ani PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr.

“But we cannot be complacent sa ating monitoring, lalong na sa aspeto security preparations natin,” patuloy niya. RNT/SA