7,398 bagong COVID-19 cases naitala sa Pinas mula Hunyo 27 ‘gang Hulyo 3

7,398 bagong COVID-19 cases naitala sa Pinas mula Hunyo 27 ‘gang Hulyo 3

July 4, 2022 @ 4:40 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Pilipinas ng kabuuang 7,398 bagong COVID-19 cases mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, 2022 na may daily average na 1,057 cases, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Base sa DOH, ang nabanggit na average ay mas mataas ng 60 porsyento kumpara sa average na 662 kaso na naitala mula Hunyo 20 hanggang 26.

Batay din sa datos, 497 severe at critical cases ang kasalukuyang naka-admit. Kumakatawan ito sa 8.4 porsyento ng COVID-19 admissions.

Sa intensive care unit beds, 15.3 porsyento ang okupado habang 19.9 porsyento ng non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyang ginagamit.

Inilahad din ng DOH na naitala ng pamahalaan ang 19 bagong severe at critical cases.

Samantala, mahigit 70.7 milyong indibidwal o 78.64 porsyento ng target population ng pamahalaan ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. RNT/SA