7,443 pang bagong kaso ng COVID19 naitala; 156 patay, 7,533 nakarekober

7,443 pang bagong kaso ng COVID19 naitala; 156 patay, 7,533 nakarekober

May 29, 2021 @ 4:00 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Umabot na sa 1,216,582 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Kagawaran ng Kalusugan ngayong May 29.

Ito ay makaraang madagdagan pa ng bagong 7,443 na mga kaso.

Nakapagtala rin ng 7,533 na gumaling at 156 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (53,614) ang aktibong kaso; 93.9% (1,142,246) na ang gumaling at 1.70% (20,722) ang namatay.

Nitong May 27, lahat ng mga laboratoryo ay operational ngunit mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang lab na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na nai-test at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.  Jocelyn Tabangcura-Domenden