7,485 pang bagong kaso ng COVID naitala; 122 patay; 4,504 gumaling



7,485 pang bagong kaso ng COVID naitala; 122 patay; 4,504 gumaling

June 10, 2021 @ 4:14 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,485 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong Hunyo 10.

Gayundin nakapagtala rin ng 4,504 na gumaling at 122 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (56,921) ang aktibong kaso; 93.9% (1,214,454) na ang gumaling; at 1.72% (22,312) ang namatay.

Ayon sa DOH, bagamat operational lahat ang COVID-19 licensed laboratories nitong Hunyo 8, bigo pa rin makapagsumite ng kanilang datos ang apat na laboratoryo.

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na lab na ito ay humigit kumulang 0.52% sa lahat ng samples na naitest at 0.43% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Paalala ng DOH sa publiko, suportahan ang pambansang pagbabakuna dahil ang pangunahing layunin ng gobyerno ay ang kaligtasan ng lahat. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •