75 kumpirmadong patay sa hagupit ni ‘Odette’

75 kumpirmadong patay sa hagupit ni ‘Odette’

December 31, 2021 @ 1:36 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Umakyat na sa 75 ang kumpirmadong nasawi sa hagupit ng bagyong Odette, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Kinumpirma rin ng NDRRMC ang 74 na bilang ng mga sugatan at 12 nawawala dahil sa bagyo.

Walo ang kumpirmadong nasawi mula sa Mimaropa, 46 mula Western Visayas, dalawa galing Central Visayas, 15 mula Eastern Visayas, at apat galing Northern Mindanao.

Bineberipika pa ang 330 nasawi, 1,073 sugatan, at 70 nawawala.

Umabot naman sa 1,139,148 ang bilang ng mga apektadong pamilya, na katumbas ng 4,457,846 indibidwal na naninirahan sa 6,526 barangays sa Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, nananatili naman sa 1,325 evacuation centers ang 83,960 pamilya habang 45,268 pa ang tinutulungan sa labas ng evacuation centers, habang ang iba ay tinutulungan ng mga kaanak at kaibigan nila.

Patuloy pa rin ang isinasagawang relief operations ng gobyerno maging ng iba pang pribadong organisasyon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo. RNT/SA