75 nasapul ng food poisoning sa Pangasinan

75 nasapul ng food poisoning sa Pangasinan

April 30, 2022 @ 9:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 75 indibidwal ang nasapul ng food poisoning matapos kumain ng galunggong at tahong sa Barangay Inirangan sa bayan ng Bayambang, Pangasinan, ayon sa ulat.

Base sa municipal health office, binili ang mga pagkain mula sa isang nagtitinda na dumaan sa barangay.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga opisyal upang matukoy kung ang food poisoning ay dahil sa red tide toxin.

Isinailalim na rin sa test ang mga sample mula sa mga pasyente. RNT/SA