75% ng BI personnel bakunado na vs. COVID — spox

75% ng BI personnel bakunado na vs. COVID — spox

November 26, 2021 @ 12:32 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Immigration na nasa 75% ng kanilang empleyado ay bakunado na laban sa COVID-19, batay sa opisyal.

Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, karamihan sa kanila ay frontline workers na nasa mga pantalan at paliparan.

“I think mga 75% na yung vaccinated sa amin. Karamihan po diyan yung mga nasa frontline namin, so we’re happy to report that yung mga naka-deploy po natin sa airports and seaports are vaccinated already,” lahad ni Sandoval.

Layunin aniya ng ahensya na mabakunahan ang lahat sa katapusan ng taon.

“Most of those who have not been vaccinated yet, ‘yun po ‘yung mga nag-aantay na lamang ng kanilang mga schedule o kaya ‘yung wala pang clearance from their doctors.”

“[W]e’re pushing po sana na makuha natin yung [to get the] 100% vaccination rate by the end of the year,” dagdag pa nito.

Tinatayang 300 tauhan aniya ang napositibo sa COVID-19.

“At least karamihan po doon sa nagkaroon ng COVID natin ay nagsurvive po or are recovering or have already recovered.” RNT/FGDC