75% ng COVID cases sa Enero, mild, moderate lang – DOH

75% ng COVID cases sa Enero, mild, moderate lang – DOH

January 19, 2022 @ 7:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nasa 75 porsyento ng naitalang COVID-19 cases na naitala nitong Enero ay mild at moderate lang, ayon sa isang health official.

Sa isang online forum, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 13 porsyento lang ang asymptomatic habang 12 porsyento lang ang naitalang ‘severe’ at ‘critical’ na COVID-19 cases sa Enero.

“Amin pong pinapaalala na maaring manatili po muna sa bahay ang mga mild cases, malaking tulong po ang pag-home isolate or quarantine para mabawasan po ang load sa ating healthcare workers and even our facilities,” dagdag pa ni Vergeire.

Dagdag pa ni Vergeire na magbibigay ang Department of Health (DOH) ng Kalinga sa mga indibidwal na nakasailalim sa home isolation.

Sa nasabing kit, kabilang dito ang 10 piraso ng paracetamol, 10 piraso ng vitamin C, 10 piraso ng carbocisteine, 20 piraso ng facemasks, 2 bareta ng sabon, alcogel,  disinfectant spray, at isang tips sheet.

“Bagamat po mas mild ang Omicron variant, kapag hindi po maayos ang pagpapagaling sa bahay, maaari po itong magdulot ng problema sa ating mental health and physical health,” babala naman ni Vergeire sa publiko. RNT