75 pulis sinibak ng Napolcom

75 pulis sinibak ng Napolcom

July 13, 2021 @ 1:35 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagsibak sa 75 pulis tungkol sa iniulat na pang-aabuso.

Ang nasa 75 nasibak na pulis ay bahagi ng 166 miyembro ng Philippine National Police (PNP) na napanagot sa iba’t ibang paglabag.

Sa datos ng NAPOLCOM, 45 pulis ang naparusan; isa ang na-demote; 43 ang suspendido.

 “We assure the public that the NAPOLCOM fully supports the government’s effort to rid the police service of scalawags and misfits by fast-tracking the resolution of administrative cases against PNP members filed before the Commission,” saad ni NAPOLCOM Vice Chairman and Executive Officer Vitaliano N. Aguirre II. RNT/FGDC