750K doses ng COVID jabs, naiturok na ng PRC

750K doses ng COVID jabs, naiturok na ng PRC

December 13, 2021 @ 7:02 AM 10 months ago


Nakapagbakuna na ng 750,000 doses ang Philippine Red Cross (PRC) laban sa COVID-19 hanggang nitong Disyembre 12.

“Patuloy ang aming pagbabakuna sa mga komunidad. Layunin ng Red Cross na maging ligtas ang mga Pilipino kontra COVID-19 upang makamit ang herd immunity sa bansa,” ayon kay PRC Chairman at CEO Sen. Dick Gordon.

Sinabi ng PRC Health Services, ang kanilang 25 Bakuna Centers, 17 Bakuna Buses, at Bakuna Teams ay nakapagbigay na ng kabuuang 754, 897 doses at sa bilang na ito, 282, 842 indibidwal na ang nabigyan na ng kumpletong bakuna.

Nitong Disyembre 11, ang PRC volunteers at staff ay nakapagbakuna rin ng 2,508 indibidwal sa kanilang Bakuna Centers at Bakuna Buses sa kanilang operasyon.

Sa PRC Ilocos Norte Bakuna Center naman ay nakapagbakuna ng 475, nasa 21 naman ang nabakunahan sa PRC EDSA Boni Bakuna Center, 42 sa PRC Port Area at 291 sa PRC PLMC.

Isang PRC Bakuna Bus din ang ipinadala sa Lapu-Lapu na nakapagbakuna naman 518 habang ang Bakuna Team ay dineploy sa Misamis Oriental at magbakuna ng 296 indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden