75K doses na donasyong Sinovac COVID-19 vaccines, dumating na sa Pinas!

75K doses na donasyong Sinovac COVID-19 vaccines, dumating na sa Pinas!

April 13, 2022 @ 2:26 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Natanggap na ng Pilipinas ngayong araw ang 75,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines na donasyon ng gobyerno ng Qatar at ng Sinovac Biotech.

Personal na sinalubong ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Qatar Ambassador to the Philippines Ali Ibrahim Al-Malki ang pagdating ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaninang alas-11:00 ng umaga.

Sa 75,000 doses, 50,000 rito ang donasyon ng Qatar government habang ang nalalabing 25,000 doses ay mula sa Sinovac Biotech.

“This is one of our donations to the Philippines. Philippines is an important country for us and it’s our friend country, and you know Qatar, they support our friend. This is the US$45,000 of donation for the Republic of the Philippines,” saad ni Al-Malki.

Sabi naman ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga karagdagang bakuna ay makakatulong para mapabilis pa ang COVID-19 inoculation drive sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mayroon pa ring pinakamababang vaccine coverage sa lahat ng rehiyon sa bansa.

“We would like to thank the Qatari government for this donation of Sinovac vaccines. This is very, very important for us considering that the President has ordered the BARMM government to push up the coverage of their vaccination,” ani Galvez.

Matatandaang noong Lunes ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng BARMM na tiyaking makakahabol ang rehiyon sa pagbabakuna sa mga darating na linggo. RNT/ JCM