75K personnel wanted sa PCG

75K personnel wanted sa PCG

December 7, 2021 @ 7:34 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inilalatag ng Philippine Coast Guard na magkaroon ng 75,000 personnel na sasakop sa coastal areas sa bansa.

Sa pagdinig, iminungkahi ni Senate Committee on Public Services, Coast Guard Deputy Commandant for Administration Vice Admiral Oscar Endona Jr. ang dalawang personnel sa bawat coastal kilometer.

“Before it’s one personnel per coastal kilometer. two personnel, one kilometer. I believe our exact length is more than 36,000,” lahad nito.

Kasalukuyang mayroon lamang 21,000 personnel ang PCG.

Samantala, rerebyuhin naman ng Senate committee ang revision ng PCG laws maging para sa institutionalization ng PCG Auxiliary at pagtatatag ng PCG Academy.

Base sa Department of Budget and Management, kakailanganin ng PCG ang hanggang P39 bilyong badyet para sa serbisyo ng target na 75,000 personnel. RNT/FGDC