75K Pinoy nakaranas ng adverse effect sa COVID jabs; 580 sa bata -FDA

75K Pinoy nakaranas ng adverse effect sa COVID jabs; 580 sa bata -FDA

November 24, 2021 @ 7:30 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Umabot sa 580 adverse effect ang naitala sa mga edad 12 hanggang 17 na nabakunahan ng COVID-19 jabs, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

“As of 14 November 2021, 580 reports were received,” saad sa ulat ng FDA, Miyerkoles.

Sa kabila nito, sinabi ng FDA na karamihan sa mga naitalang adverse events ay mild lang.

“Out of the 580 reports, 19 reports were tagged as serious while the rest are non-serious,” dagdag pa ng regulatory board ng bansa.

“The most common reported reactions are vaccination/injection site pain, dizziness, headache, blood pressure increased, and tachycardia,” dagdag pa sa ulat.

Matatandaang nagsimula noong Oktubre 15 ang COVID-19 pediatric vaccination kung saan tuturukan na ng COVID-19 vaccines ang mga edad 12 hanggang 17.

The government started its last Oct. 15 among children with comorbidities aged 12 to 17. The program expanded last Nov. 3 to include all children aged 12 to 17.

Para naman sa buong populasyon ng Pilipinas na nabakunahan, ayon sa FDA na nasa 75,000 indibidwal ang nakaranas ng adverse event matapos maturukan ng COVID vaccines. Pasok na rito ang 580 na mga kabataan/

“A total of 74,955 suspected adverse reaction reports were received, evaluated, and analyzed by the FDA,” dagdag pa sa ulat.

Ang nasabing bilang ay 0.11 percent lang ng 69,713,994 doses na naiturok na hanggang nitong Nobyembre 14.

Sa kabuuang naiulat, aabot sa 3,741 ang “serious” habang 71,214 naman ang non-serious events. RNT