76 pang tauhan ng PNP sapul ng COVID

76 pang tauhan ng PNP sapul ng COVID

July 11, 2021 @ 10:22 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa 28,791 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) matapos magpositibo ang 76 pa, batay sa tala ng ahensya.

Gumaling naman ang 114 pa kaya’t 27,301 na ito sa kabuuan.

Nasawi naman ang 77 tauhan ng hanay matapos masawi ang isa pa.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa sakit ang 1,413 tauhan ng PNP.

Sa kabuuan, 1,467,119 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 1,391,335 na ang gumaling habang nasawi ang 25,816. RNT/ELM