766 benepisyaryo nakatanggap ng NavoAhon ayuda

766 benepisyaryo nakatanggap ng NavoAhon ayuda

September 16, 2022 @ 5:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas ng livelihood assistance ang mga Navoteño na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Umabot sa 766 benepisyaryo ang tumanggap ng cash aid na nagkakahalaga ng P1,000–P3,000 sa ilalim ng NavoAhon ayuda program.

400 sa mga ito ay mga displaced workers; 105 delivery riders, jeepney, tricycle at pedicab drivers, 21 jobseekers na nagtapos nitong 2020-2021, 60 negosyante hindi nabigyan ng pahintulot na mabuksan noong kasagsagan ng pandemya at 180 na mga bagong negosyante.

“The number of COVID-19 cases is now declining. More Navoteños are now able to return to work and businesses have resumed operations. However, many are still struggling,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“It may take us a while to fully recover from the effects of the pandemic and we want to extend all possible assistance to our constituents until then,” dagdag ng alkalde.

Samantala, sa susunod na batch ng mga benepisyaryo ay magbibigay muli nang livelihood assistance sa buwan ng Oktubre habang ang nasabing programang ayuda ay bahagi ng pandemic recovery programs na nakalaan sa mga Navoteño.

2,500 na Navoteño ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng nasabing programa noong nakalipas na buwan ng Pebrero at Marso.(R.A Marquez)