76ers tambak sa Celtics

76ers tambak sa Celtics

October 19, 2022 @ 10:22 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi umubra ang tikas nina Joel Embiid at James Harden at lakas ng Boston Celtics matapos silang tambakan, , 126-117, sa unang laro sa opening ng bagong season ng NBA.

Nanguna para sa Celtics ang mabangis na si Jayson Tatum na kumamada ng 35 points at 12 rebounds at umambag din sa panalo sina Marcus Smart na may Al Horford na may 14 points at J. Brown, 35 points.

Naging pukpukan ang laban sa 1st at 2nd quarter subalit pagpasok ng 2nd half ay dito na inilabas ng Celtics ang kanilang bangis at unti-unti nang tinatambakan ang Philadelphia.

Sa panig ng 76ers, nasayang ang ikinamadang 35 points ni James Harden at 26 puntos ni Joel Embiid.

Nangako si Harden at Embiid na babawi sila  sa mga susunod nilang laban dahil target nilang pumasok sa playoffs.JC