772 infra projects sa N. Mindanao nakumapleto sa 2021- DPWH

772 infra projects sa N. Mindanao nakumapleto sa 2021- DPWH

February 1, 2022 @ 12:41 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – May kabuuang 772 infrastructure projects sa ilalim ng Northern Mindanao Office ang nakompleto na noong nakaraang taon sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemiya.

Pinuri ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado, ang pagsisikap ng DPWH Region 10 Office sa pamumuno ni Director Zenaida T. Tan kasama ang 12 District Engineering Offices na namahala para tapusin ang “construction, maintenance, improvement at widening” ng 255.6 kilometers national roads.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱8.93 billion, kung saan kabilang ang 16.79 kilometro ng national bridges na nagkakahalaga naman ng ₱1.91 billion, at construction ng 18 flood control projects na nagkakahalaga ng ₱712.33 million

“We laud the accomplished projects delivered by DPWH Regional Office 10 amid the pandemic. These infrastructure projects allow Northern Mindanao to recover from the economic impacts of the pandemic,” ayon kay Mercado.

“For the remaining months under President Rodrigo Roa Duterte’s administration, we aim to accomplish more high-impact projects to focus on more inclusive economic growth,” dagdag na pahayag nito.

Nakompleto at natapos din ng departamento ang kabuuang 607 local projects na nagkakahalaga ng ₱2.81 billion, kabilang na ang 85 local road projects, 49 water supply systems, anim na gusali ng Philippine National Police (PNP), 435 multi-purpose buildings, 14 tourism road projects, at siyam na lansangan tungo sa Trades, Industries, and Economic Zones.

Samantala, sinabi naman ni DPWH Senior and Senior Undersecretary Rafael C. Yabut na may ilang proyekto naman ang natapos ng Region 10 gaya ng Cagayan de Oro Civic Convention Center na dinisenyo para pagdausan ng iba’t ibang events at makalikha ng mas maraming hanapbuhay para sa mga locals, at Puntian-Arakan Bypass Road na mag-uugnay sa Regions 10, 11, and 12.

Nakompleto rin ng DPWH ang Layawan Flood Control Structure na nagligtas sa komunidad mula sa panganib na dulot ng pagbaha. Kris Jose