776 bagong COVID cases naitala sa Pinas

776 bagong COVID cases naitala sa Pinas

November 5, 2022 @ 8:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa ika-apat na magkasunod na araw ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Sa datos, 776 na kaso lamang ang naitala na nagdala sa kabuuang impeksyon sa 4,007,318 simula nang tumama ang pandemya.

Sa bagong kaso, 157 ang natukoy sa Metro Manila.

Nanatili naman sa 18,085 ang aktibong kaso na pinakamababa simula noong Hulyo 14.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 32 deaths na ngayon ay umabot na sa kabuuang 64,211.

Samantala, nasa 3,925,022 na ang kabuuang gumaling na sa COVID-19.

Nasa 11.1 percent naman ang positivity rate mula Oct. 30 hanggang Nov. 3.

Nauna rito, sinabi ng DOH na nasa 3,900 COVID-19 cases ang naitala sa mga paaralan sa buong bansa kasunod ng pagpapatuloy ng in-person learning. Jocelyn Tabangcura-Domenden