77M fully vaxxed target ng Pinas sa Q1 2022- Duque

77M fully vaxxed target ng Pinas sa Q1 2022- Duque

December 9, 2021 @ 3:03 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Tina-target ng pamahalaan na mabakunahan ng first at second doses ng coronavirus disease (COVID-19) ang 77 milyong Pilipino sa unang kwarter ng 2022, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III nitong Huwebes.

Kasalukuyang tinitingnan ng gobyerno na makumpleto ang doses ng 54 milyong indibidwal bago matapos ang taon at sinabi ni Duque na kumpiyansa umano siyang maaabot ito.

“Sana ito will pave the way for us to achieve the second milestone, which hopefully we will be able to accomplish in the early first quarter of next year and that is reaching 77 million Filipinos with completed jabs all over the country,” aniya sa isang awarding ceremony sa Mandaluyong City.

Gayundin, layunin ng administrasyon na mabakunahan ang 90 porsyento ng populasyon ng Pilipinas o 99 milyong Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 2022.

“The third milestone is for us to inoculate no less than 90% of the Philippine population which is equivalent to about 99 million before the end of the administration of Pres Rodrigo Duterte,” pahayag ni Duque.

Sa kasalukuyan, nasa 39.7 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 56.64 milyon naman ang naturukan na ng first dose. RNT/SA