77M indibidwal target bakunahan hanggang sa katapusan ng Hunyo

77M indibidwal target bakunahan hanggang sa katapusan ng Hunyo

May 14, 2022 @ 2:13 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ngayon ng pamahalaan na mabakunahan ang 77 milyong indibidwal o 85% ng targeted eligible population hanggang sa katapusan ng Hunyo.

“Our target would be 77 million individuals by the end of June. This is 85% of our targeted eligible population which is 90 million,” ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

“Currently that is our working target. We already were able to vaccinate 68.5 million Filipinos. We expect only a little number, we hope to reach them by the end of June,” dagdag niya.

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng special vaccination days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa mababa nitong vaccination turnout.

Inaasistihan din ng DOH ang Quezon sa Region 4-A gayundin ang mga Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas at SOCCSKSARGEN para mapataas ang kanilang vaccination rate.

Samantala, sinabi rin ni Vergeire na nasa 7,407 indibidwal ang nagpabakuna sa mga itinayo nilang vaccination site malapit sa mga polling precincts noong araw ng halalan, Mayo 9.

“This is something small kung ikukumpara natin sa pang-araw-araw nating accomplishment pero maganda na rin po kasi nakita natin na ‘yung ating mga kababayan interesado at willing magpabakuna kahit na pagkatapos pa ng eleksyon na ubod ng init ng araw,” saad ni Vergeire. RNT/ JCM