77M target na gawing fully vaccinated bago magbotohan

77M target na gawing fully vaccinated bago magbotohan

January 19, 2022 @ 4:33 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Pipilitin ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa COVID-19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections.

Ang anunsyo na ito ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang mga botante na magpapartisipa sa halalan mula sa COVID-19.

Ani Nograles, gagawin lahat ng pamahalaan para makamit ang target nitong bilang ng pagbabakuna.

“Ito po yung aming isusulong talaga na marating natin iyon,” ani Nograles.

“If not by the end of the first quarter [of] 2022, at least before the May elections na 77 million na target natin, kasama at kabilang na po doon ang adult population,” dagdag na pahayag nito.

Nauna nang nagtakda ang gobyerno na gawing fully vaccinated ang 54 milyong adult population bago matapos ang taong 2021. ang target ay nakamit lamang noong nakaraang linggo.

“As of January 18,” nakapagturok na ang pamahalaan ng 120,645,514 doses ng COVID-19 vaccines.

“So far, a total of 56,027,759 Filipinos have been fully vaccinated while 5,362,518 have received their booster shots,” ayon kay Nograles.

Sa kasalukuyan, patuloy na nakiikipagpambuno ang Pilipinas sa surge ng COVID-19 cases, posibleng nagatungan ng mas nakahahawang Omicron variant sa mga nakalipas na araw, ang bansa ay nakapagtala ng 30,000 cases daily.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Malakanyang ang publiko na manatiling sundin ang minimum public health standards gaya ng tamang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at physical distancing. Kris Jose