78% ng Pinoy , satisfy sa demokrasya

78% ng Pinoy , satisfy sa demokrasya

June 12, 2018 @ 3:05 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Lumabas sa mga datos na nakalap ng Social Weather Stations (SWS) surveys ngayong taon na 78% ng mga Pinoy ang satisfy sa paraan ng paggamit ng demokrasya sa bansa habang 60% naman ang pabor sa demokrasya kaysa sa ibang uri ng gobyerno.

Base sa resulta ng survey na isinagawa noong March 2018 na kinabibilangan ng 1,200 na Pinoy sa buong bansa, 78% sa kanila ang satisfy sa demokrasyang pamamahala, mas mababa ng dalawang puntos mula 80% noong June 2017 at mas mababa pa ng isang puntos noong June 2016.

Kabilang sa mga tanong sa naturang survey ay, “Sa pangkalahatan, kayo po ba ay … (LUBOS NA NASISIYAHAN; MEDYO NASISIYAHAN; HINDI NASISIYAHAN; LUBOS NA HINDI NASISIYAHAN) sa takbo ng demokrasya sa Pilipinas?”

Samantala, nanatili ang dekmokrasya bilang best form of government para sa 60% na mga Pinoy ngayong 2018 mula sa 61% noong nakaraang taon.

Binubuo ng tig-300 na Pinoy mula sa Metro Manila, ibang bahagi ng Luzon, Visayas at sa Mindanao ang nasabing survey na ginamitan ng face-to-face interviews.

Ang datos ay inilabas kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day sa bansa. (Remate News Team)