78% ng PNP personnel handang magpabakuna vs. COVID – Eleazar

78% ng PNP personnel handang magpabakuna vs. COVID – Eleazar

March 5, 2021 @ 4:29 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihayag ng 78% ng 218,000 pulis na handa silang mabakunahan laban sa COVID-19, batay kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar.

“As of now, 78% of all the PNP personnel are willing to be vaccinated,” saad ni Eleazar, Philippine National Police’s deputy chief for administration.

Kasalukuyang 800 PNP medical frontliners na ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine.

Kasama naman sa prayoridad na maturukan ang medical officers at healthcare frontliners, personnel na aasiste sa Department of Health maging miyembro ng PNP Medical Reserve Force.

Kasama rin sa uunahing mabakunahan ang mga doktor na nakatalaga sa PNP General Hospital, quarantine facilities, at emergency treatment, batay naman kay  PNP chief Police General Debold Sinas. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •