78 tao patay sa taglamig sa Afghanistan

78 tao patay sa taglamig sa Afghanistan

January 20, 2023 @ 10:55 AM 1 week ago


KABUL — Hindi bababa sa 78 katao ang namatay sa lamig sa Afghanistan sa panahon ng pinakamatinding taglamig sa bansa sa loob ng mahigit isang dekada, ayon sa mga awtoridad.

Naitala ang mga pagkamatay mula sa walo sa 34 na lalawigan sa bansa, sinabi ng mga opisyal.

Umabot sa -34 degrees Celsius (-29.2 degrees Fahrenheit) ang naranasang taglamig sa Afghanistan sa gitna ng matinding krisis sa ekonomiya.

“The weather will get colder in the next few days, therefore it is necessary to consider humanitarian aid for affected people,” ani  Abdullah Ahmadi, head ng operations center para sa emergency conditions sa Ministry of Disaster Management.

Ang komento ay pagkatapos na maraming mga aid group ang nagsuspinde ng kanilang mga operasyon matapos na pagbawalan ng Talipan ang karamihan sa mga babaeng manggagawa ng NGO na makapagtrabaho.

Sinabi ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA) noong nakaraang linggo na ang mga paghihigpit sa mga babaeng manggagawa ay humahadlang sa mga pagsisikap na makapaghatid ng tulong.

Humigit-kumulang 77,000 na mga hayop ang namatay din sa nakalipas na siyam na araw, na isang banta para sa food security ng bansa. RNT